Tuesday, June 22, 2010

pambansang teritoryo artikolo1

BUOD: Itinatakda ng Artikulo I ang saklaw at sakop ng pambansang teritoryo ng Republika ng Pilipinas.


SEKSIYON 1. Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng pulo at karagatan na nakapaloob doon, at lahat ng iba pang teritoryo na ari ng Pilipinas sa pamamagitan ng karapatang kinikilala sa kasaysayan o sa batas, kasama ang dagat teritoryal, ang kalawakang itaas, ang kailaliman ng lupa, ang ilalim ng dagat, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang lugar submarina na nasa ganap na kapangyarihan o saklaw ng Pilipinas. Ang karagatang nakapaligid, nakapagitan, at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at sukat, ay bumubuo ng panloob na karagatan ng Pilipinas.
ARTICLE I of the Philippine Constitution
The National Territory

Section 1. The national territory comprises the Philippine archipelago, with all the islands and waters embraced therein, and all the other territories belonging to the Philippines by historic or legal title, including the territorial sea, the air space, the subsoil, the sea-bed, the insular shelves, and the submarine areas over which the Philippines has sovereignty or jurisdiction. The waters around, between, and connecting the islands of the archipelago, irrespective of their breadth and dimensions, form part of the internal waters of the Philippines.